The executive agency for basic education of the Republic of the Philippines. For comments, queries, or complaints, email us at [email protected]

Pasig City, Philippines
Joined October 2010
Natapos na ng Department of Education (DepEd) ang pagtatayo ng 391 bagong prefabricated school buildings na kayang maitayo sa loob lamang ng ilang linggo sa halip na taon. Basahin: deped.gov.ph/2026/10/23/sili… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
4
1,664
#SAFECHECK | Para sa mga Magulang at Guardian Alam mo ba ang ginagawa ng anak mo online? Mahalagang maging bukas sa pakikipagkuwentuhan sa mga bata tungkol sa kanilang online activities. Sa tamang paggabay at bukas na komunikasyon, masusuportahan natin ang ligtas at responsableng paggamit ng internet ng mga bata. #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines
2,296
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magulang ng Kawmpang Elementary School sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan nina Pangulong Bongbong Marcos at Secretary Sonny Angara para sa kanilang mga anak. Hakbang ito upang mas mailapit ang serbisyong medikal sa komunidad at matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mag-aaral. #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
3
1,367
Malaking ginhawa para sa mga guro, mag-aaral, at komunidad ang pagdating ng YAKAP Health Caravan sa Kawmpang Elementary School, na nagbibigay ng mas madaling access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan nito. #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
2
4
3,604
#SAFECHECK | Para sa mga magulang at guardian Sa pamamagitan ng simpleng pag-iingat, makatutulong tayo upang maiwasan ang mga aksidente at mapanatiling ligtas ang tahanan at komunidad para sa ating mga anak. Tandaan na ang kaligtasan ng mga bata ay sama-samang responsibilidad ng bawat pamilya! #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
1
4,397
Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano'y pagtanggal ng Grade 11 & 12. Muling pinaaalalahanan natin ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito. Sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts para sa mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education. #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
3
3
5,824
Bilang pagkilala sa Scouting Month ngayong Oktubre, pinaiigting ng Department of Education (DepEd) ang programang Scouting sa batayang edukasyon bilang isang mahalagang platform na ko-kurikular. Basahin: deped.gov.ph/2026/10/21/depe… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
1
2,081
#SAFECHECK | Sa mga magulang at guardian Nagiging malihim ba ang iyong anak? Iparamdam sa kanya na handa kang makinig, umunawa, at umalalay. Sa bukas na komunikasyon, maipapakita natin na may ligtas na espasyo at mapagkakatiwalaang nakatatanda siyang malalapitan anumang oras. ❤️ #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
2,610
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng YAKAP health caravan sa Kawmpang Elementary School sa Patikul, Sulu, upang maghatid ng direktang serbisyong medikal at pangkalusugan para sa higit 1,600 na mag-aaral, magulang, at mga kawani ng paaralan. Basahin: deped.gov.ph/2026/10/20/pbbm… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
1
2,425
#SAFECHECK | Para sa mga Magulang at Guardian May napansing pagbabago sa anak? Huwag balewalain ito. Maglaan ng panahon para kumustahin o makipagkuwentuhan sa kanila. Simulan ang bukas na pag-uusap at iparamdam sa kanila na handa kang makinig at umalalay. #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
3
2
8,034
Nakatakdang maglabas ng mga panuntunan si Education Secretary Sonny Angara na nag-aatas sa lahat ng paaralan sa buong bansa na maghanda para sa inaasahang epekto ng El Niño sa School Year 2026–2027. Basahin: deped.gov.ph/2026/10/19/depe… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
4
3,214
Isinulong ni Education Secretary Sonny Angara sa Senado nitong Biyernes ang iminumungkahing PHP 969.79 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) para sa Fiscal Year 2027, kasabay ng pakiusap na maaprubahan ang karagdagang PHP 147.93 bilyon para sa mga pangunahing programa ng Kagawaran. Read the article: deped.gov.ph/2026/10/17/anga… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
2
5
2,459
Mahalagang kaagapay sa paghubog ng mabuting asal at values ng mga bata ang pamilya. Sa #KaagapayProgram, binibigyan natin ang mga magulang at guardian ng praktikal na gabay at kaalaman mula sa mga eksperto upang mas maunawaan at masuportahan ang kanilang mga anak. Narito ang ilang paalala para sa mas matatag na ugnayan at mas positibong paggabay sa ating mga anak. #DepEdSchoolSafety #SafeCheck #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
2,057
MENTAL HEALTH CARAVAN NG DEPED, DUMATING NA SA MARIKINA! 🏫 🤗 Masayang sinalubong ng mga mag-aaral, guro, at mga opisyal ng Marikina ang unang stop ng DepEd Mental Health Caravan. Layunin nitong gawing mas accessible ang mental health programs and initiatives sa mga paaralan sa buong bansa. Dito, may makikinig, may tutulong, at may karamay ka rito. ❤️ #MentalHealth #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
1
3
1,746
May kaagapay ang ating mga paaralan sa pagpapanatili ng kaligtasan! 🛡️ Sa ilalim ng DepEd–DILG Joint Memorandum Circular (JMC), maaaring tumulong ang barangay tanods sa school security at maging katuwang ng mga eskwelahan sa pagtugon sa mga panganib. #DepEdSchoolSafety #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
1
2,005
Pinalalawak ng Department of Education (DepEd) ang network ng learner-led peer facilitation sa pamamagitan ng My Buddy System, kasabay ng structured counseling at mga check-in ng mga guro, upang makabuo ng mas ligtas at mapagsuporta na kapaligiran sa mga paaralan bilang bahagi ng mental health and psychosocial support framework nito. Basahin: deped.gov.ph/2026/10/16/depe… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
4
4,050
HAPPENING NOW | Ipinipresenta ni Education Secretary Sonny Angara sa Senado ang panukalang ₱969.79 bilyong budget ng Department of Education (DepEd) at mga attached agencies nito para sa Fiscal Year 2027. Tampok sa pagtalakay ang mga priyoridad na programa at panukalang pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral, guro, at paaralan sa buong bansa. #DepEdPhilippines
1
8
3,762
Alam ba ng ating anak na maaari siyang lumapit sa atin kapag may online threat? Ang anomang banta o content na may kinalaman sa violence ay dapat seryosohin. Ngunit bago tayo mag-react, makinig muna tayo at alamin ang buong kuwento. Turuan ang mga bata na huwag mag-forward o mag-amplify ng threatening content at huwag harapin nang mag-isa ang ganitong sitwasyon. Ipaalala sa kanila na ang pagsasabi sa magulang ay hindi pagsusumbong. Ito ay isang hakbang tungo sa kaligtasan. #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
3
4
1,637
Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpapalawak ng mga programa ng Department of Education (DepEd) para sa kalusugang pangkaisipan at kapakanan ng mga mag-aaral sa buong bansa, kasabay ng pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month at National School Safety Week. Basahin: deped.gov.ph/2026/10/15/anga… #DepEdPhilippines #BagongPilipinas
2
6
2,573