Puro ayuda at multipurpose hall na nga ang proyekto, ipinaskil pa ang mukha at pangalan nila na parang personal nilang pera ang ginastos. Kulang na nga sa vision at creativity, gusto pa ng utang na loob. Public service na ginawang personal branding, taxpayer-funded pa.
Sa ibang bansa, smart cities at makabagong urban solutions ang pinagpaplanuhan. Sa atin, multipurpose hall pa rin—parang hanggang ribbon-cutting lang ang imagination ng mga LGU. Wala na bang mas malikhain, mas epektibo, at mas pangmatagalang proyekto?
Kung ignorante pala kaming mga kritiko ng budget, ano naman ang tawag sa mga politikong mas galit sa nagtatanong kaysa sa mga nangungulimbat ng kaban ng bayan?
Mga demonyong naka-barong? Mga doktorado sa panloloko at cum laude sa pagpapahirap sa mahihirap?
Kami, naghahanap ng nawawalang pananagutan. Kayo, parang mas offended pa sa tanong kaysa sa posibleng pagnanakaw.
Mga putangina, hindi kabobohan ang humingi ng resibo.
KUNG IGNORANTE PALA KAMI, PWES SAGUTIN N'YO NA LANG ITO. TOTAL, MATATALINO KAYO.
Sa mga miyembro ng Kongreso, ito ang mga tanong mula sa mga red flags na inilabas ng People's Budget Coalition at BetterGov.PH tungkol sa proposed 2027 national budget:
1. ₱199 BILLION SA BUDGET CHANGES. Bakit lumobo ang House reallocations mula sa unang inanunsyong ₱116 billion tungong halos ₱199 billion? Sino ang nagpanukala ng mga karagdagang pagbabago, at nasaan ang kumpletong dokumentasyon?
2. ₱190 BILLION SA HALOS 7,000 BAGONG PROYEKTO. Bakit walang publicly available supporting attachments ang libo-libong House-added infrastructure projects? Paano napatunayang kailangan, feasible, at properly costed ang mga ito?
3. MGA KALSADA SA DAGAT? Bakit may farm-to-market roads na ang coordinates ay lumilitaw sa Celebes Sea at Philippine Rise, at mga gusaling lumilitaw sa Algeria at Nigeria? Kung clerical errors lang, nasaan ang validated locations at corrected project documents?
4. ₱72 BILLION SA DAGDAG NA INFRASTRUCTURE. Bakit nadagdagan ng ₱42.7 billion ang multipurpose buildings at ₱29.2 billion ang access roads? Ano ang pamantayan sa pagpili at sino ang nagpanukala ng mga ito?
5. BILYON-BILYONG BAWAS SA HEALTHCARE. Bakit binawasan ng ₱4.9 billion ang immunization at family health commodities at ₱4.5 billion ang Health Facilities Enhancement Program, habang dinagdagan ng ₱24 billion ang MAIFIP? Bakit mas pinapalakas ang medical assistance kaysa sa pag-iwas sa sakit at pagpapahusay ng mga ospital?
6. AYUDA O POLITICAL PATRONAGE? Bakit tinaasan ang MAIFIP mula ₱24.2 billion tungong ₱48.2 billion at dinagdagan ng ₱24.8 billion ang AICS? Anong safeguards ang magtitiyak na hindi nakadepende sa political referrals ang pagtanggap ng tulong?
7. BAWAS SA TRANSPORTASYON AT DISASTER PREPAREDNESS. Bakit may malaking reductions sa Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway, calamity funding, at flood management? Ano ang epekto nito sa commuters, project timelines, at disaster preparedness?
8. MULA ₱414 MILLION TUNGONG ₱4.8 BILLION? Bakit ganoon kalaki ang itinaas ng allocation sa Ilocos Norte 1st District Engineering Office? Ano ang objective criteria sa pamamahagi ng infrastructure funds sa bawat distrito?
9. ₱112 BILLION SA UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS. Anong legal at transparency safeguards ang inilagay matapos ang mga naging constitutional issues sa nakaraang national budgets?
Mga kongresista, hindi namin sinasabing lahat ng red flags ay korapsyon. Pero hindi rin kailangang may criminal conviction muna bago magkaroon ng karapatan ang taumbayang magtanong.
At huwag ninyong sabihing taga-review lang ang Kongreso. Sa Article VI ng Konstitusyon, may kapangyarihan kayong amyendahan at ipasa ang appropriations bill, alinsunod sa constitutional limits. Hindi kayo simpleng tagabasa ng budget na ipinasa ng Executive.
Pagod na ang mga Pilipinong magbayad ng buwis habang naghihintay ng disenteng ospital, paaralan, kalsada, at serbisyong pampubliko.
Hindi namin kailangan ng panibagong lecture tungkol sa budget process. Kailangan namin ng dokumento, paliwanag, at pananagutan.
Kung mali ang findings ng People's Budget Coalition at BetterGovPH, ilabas ang ebidensiya at itama ang mga ito.
Hindi ignorance ang paghingi ng resibo. At hindi kailangang maging eksperto sa public finance para maging karapat-dapat sa tapat na gobyerno.
Pera namin iyan. Karapatan naming magtanong. Trabaho ninyong sumagot.
PANAHON NA PARA I-DECRIMINALIZE ANG LIBEL SA PILIPINAS.
Sa Pilipinas, kapag nasaktan ang reputasyon mo, puwede kang maghabla. Pero kapag makapangyarihan ka, may isa ka pang opsyon: kasuhan ng kriminal ang bumatikos sa iyo. Hindi mo kailangang manalo agad. Minsan, sapat nang mapagod, maubos ang ipon, at matakot ang taong nagsalita.
Legal na proseso ang tawag. Pero kapag ginamit para manakot, parang censorship na may docket number.
Ito ang panganib ng SLAPP (Strategic Lawsuit Against Public Participation): mga kasong ginagamit upang takutin, patahimikin, o ubusin ang resources ng mga nakikilahok sa usaping pampubliko. Hindi lahat ng libel case ay SLAPP, pero maaaring abusuhin ang batas para sa ganitong layunin.
Linawin natin: Dalawang karapatan ang dapat balansehin: freedom of expression at protection of reputation. Ang freedom of speech ay hindi freedom to lie. Pero ang karapatang protektahan ang reputasyon ay hindi rin karapatang ipakulong ang lahat ng nakasakit ng ego mo.
Matagal nang inalis ng New Zealand, Ghana, Sri Lanka, Ireland, at England, Wales, at Northern Ireland sa United Kingdom ang criminal defamation o criminal libel. Hindi dahil wala silang pakialam sa reputasyon, kundi dahil may ibang paraan para papanagutin ang naninira nang hindi ginagawang posibleng sentensiya ang pagkakakulong.
Maging ang UN Human Rights Committee, sa General Comment No. 34, ay nanawagan sa mga bansa na ikonsidera ang decriminalization at malinaw na nagsabing hindi angkop na parusa ang imprisonment sa defamation.
At alam ba ninyo? May civil remedy na tayo sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Article 33 ng Civil Code, maaaring magsampa ng hiwalay na civil action para sa defamation. Ibig sabihin, may legal na paraan para humingi ng danyos kahit walang criminal conviction.
Kaya ang tanong: Kung puwede namang maghabol ng danyos, bakit kailangan pang gawing posibilidad ang pagkakakulong?
Hindi ibig sabihin ng decriminalization na puwede ka nang mag-imbento ng akusasyon laban sa kapitbahay mo.
- Kung may mapaminsalang kasinungalingan, dapat may pananagutan.
- Kung may napatunayang pinsala, dapat may angkop na danyos.
- Kung may pagkakamali, dapat may mekanismo para sa pagwawasto.
- Pero kung lehitimong puna sa gobyerno, hindi dapat maging panakot ang criminal prosecution.
At dapat ding ayusin ang civil justice system at magpatibay ng proteksiyon laban sa SLAPP, dahil kahit civil cases ay maaaring abusuhin. Hindi dapat maging pribilehiyo ng mayayaman ang hustisya, o ang kakayahang ipagtanggol ang sariling pananalita.
Dahil magkaiba ang reputasyon at ego. Ang reputasyon, maaaring protektahan ng batas. Ang ego, responsibilidad mong alagaan. Hindi trabaho ng taxpayers na pondohan ang criminal prosecution dahil hindi mo matanggap na may pumupuna sa iyo.
Higit sa lahat, tandaan nating ang mga opisyal ng gobyerno ay may kapangyarihang dapat busisiin, hindi dignidad na awtomatikong hindi maaaring kuwestiyunin. Ang posisyon sa gobyerno ay hindi restraining order laban sa kritisismo.
Hindi rin ito simpleng usapin ng journalists, bloggers, o content creators. Usapin ito ng ordinaryong Pilipinong nagrereklamo sa serbisyo publiko, nagtatanong kung saan napunta ang pondo, o naglalantad ng posibleng katiwalian.
Sa isang demokrasya, hindi dapat kailangang mayaman ka muna para magkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
Panahon nang seryosong isulong ang decriminalization ng libel at cyberlibel, kasabay ng mas matibay at abot-kayang civil remedies at proteksiyon laban sa mga kasong ginagamit para manakot.
Dahil ang batas ay dapat kalasag laban sa tunay na paninirang-puri, hindi espada laban sa lehitimong pagpuna.
At kung bawat matinding kritisismo ay kailangang sagutin ng criminal complaint, baka hindi reputasyon ang kailangang protektahan.
Baka balat lang ang kailangang kapalan.
Jusko mga DDS
Grabe. Hahahaha. I came across this live and buti na lang nakapag-screen record ako. 😭 Ang lala talaga ng pagkapanatiko nitong si K na DDS. Halo-halong emotions yung nararamdaman ko while listening. Hahaha. Akala ko malala na sila as keyboard warriors. Mas malala pala kapag naririnig mo na mismo silang magsalita. 😭
Sana hindi na lang makaboto yung mga ganitong tao kasi tayong lahat ang nadadamay sa consequences ng ganitong mindset. 🥲
Darryl Yap, kung totoo mang 143 ang IQ mo, bakit hirap kang paghiwalayin ang tatlong magkaibang legal proceeding? Ang taas ng confidence, ang baba ng evidentiary standards. O talagang paninindigan mo na lang ang pagiging fake news peddler mo?
Una, HINDI “NAPATUNAYANG WALANG KASALANAN” SI CORONA MATAPOS MAMATAY. Noong 2016, ibinasura ng Sandiganbayan ang kanyang mga kasong perjury at paglabag sa RA 6713 dahil sa kanyang pagkamatay, hindi dahil sa acquittal on the merits. Walang criminal conviction, pero wala ring judicial finding of innocence. Basic criminal procedure pa lang, mali ka na.
Ikalawa, HINDI NABURA ANG IMPEACHMENT CONVICTION NI CORONA. Noong Mayo 29, 2012, bumoto ang Senado ng 20–3 upang hatulan siyang guilty sa Article II ng impeachment complaint dahil sa hindi ganap na pagdedeklara ng kanyang assets sa SALN. Tinanggal siya sa puwesto bilang Chief Justice. Impeachment conviction iyon, hindi criminal conviction. Magkaiba ang constitutional accountability at criminal liability.
AT ITO ANG PINAKAMAHIRAP MONG TAKASAN, DARRYL: SI CORONA MISMO ANG UMAMIN.
Noong Mayo 25, 2012, sa mismong Senate impeachment trial, kinilala ni Corona na mayroon siyang US$2.4 MILLION sa apat na dollar accounts at humigit-kumulang ₱80.7 MILLION sa tatlong peso accounts na hindi niya idineklara sa SALN.
Hindi ito imbento ni Heidi Mendoza. Hindi ito tsismis ng mga kritiko ni Corona. Mismong taong ipinagtatanggol mo ang umamin sa pagkakaroon ng mga depositong hindi nakasaad sa kanyang SALN.
Ang depensa niya? Naniniwala siyang hindi kailangang ideklara ang dollar deposits dahil sa Foreign Currency Deposit Act, samantalang ang peso deposits ay may halong pera ng kanyang pamilya. Pero hindi tinanggap ng mayorya ng Senado ang mga paliwanag na iyon.
Linawin natin: Hindi pag-amin sa pagnanakaw ang pag-amin sa hindi pagdedeklara ng deposito. Pero ang mismong pag-amin niya ang naging mahalagang batayan ng impeachment conviction.
Ikatlo, ang ibinasura ng Sandiganbayan noong 2022 ay HIWALAY NA CIVIL FORFEITURE CASE tungkol sa umano'y unexplained wealth. Tinanggap ng korte ang ebidensya ng pamilya Corona na mayroon silang sapat na pinagkukunan ng pondo upang maipaliwanag ang mga kuwestiyonadong ari-arian.
Pero basahin mong mabuti: KINILALA RIN NG SANDIGANBAYAN NA MAY MGA ASSET NA HINDI NAIDEKLARA SA SALN. Ang hindi napatunayan sa civil forfeiture case ay ang pagiging unexplained wealth ng mga iyon.
Ibig sabihin, puwedeng may lehitimong pinagmulan ang pera ngunit hindi pa rin ito wastong naideklara sa SALN. Magkaibang legal na tanong iyon. At ang desisyon noong 2022 ay hindi nagbaligtad sa impeachment verdict noong 2012.
Hindi lahat ng dismissal ay acquittal. Hindi lahat ng acquittal ay exoneration sa lahat ng posibleng pananagutan. At hindi lahat ng legal na pera ay awtomatikong wastong naideklara.
Ikaapat, tungkol kay Heidi Mendoza: Bilang COA commissioner, nagpaliwanag siya ng pagsusuri sa mga transaksyong nakapaloob sa AMLC records. Ang malalaking halagang binanggit sa mga transaksyon ay cumulative inflows at outflows, hindi awtomatikong aktuwal na perang hawak ni Corona sa isang pagkakataon.
HINDI SI HEIDI ANG GUMAWA NG AMLC RECORDS. At noong Hunyo 2012, kinumpirma mismo ng AMLC executive director na tunay na nagmula sa kanilang ahensya ang report na ibinigay sa Ombudsman.
Kung sinasabi mong nag-perjury si Heidi, aling eksaktong pahayag niya sa ilalim ng panunumpa ang sinadya niyang pasinungalingan? Ano ang ebidensya? Nasaan ang judicial finding na nagpatunay ng paratang mo?
Hindi sapat ang malakas na boses para maging ebidensya. Hindi rin napapalitan ng mura ang burden of proof.
At ang pinakainteresante? SI JINGGOY ESTRADA, NA HAYAGAN MONG SINUPORTAHAN, AY ISA SA 20 SENADOR NA BUMOTONG GUILTY KAY CORONA.
Oo, Darryl. Kasama si Jinggoy sa mga humatol kay Corona. At sa sarili niyang paliwanag pagkatapos ng impeachment, binanggit din niya ang hindi pagdedeklara ni Corona ng kanyang assets sa SALN.
Bakit si Heidi lang ang pinupuntirya mo? Bakit hindi mo rin kuwestiyunin ang senador na personal na bumoto para sa conviction? Selective outrage ba ang bagong legal doctrine?
Kaya bago mo kuwestiyunin ang konsensya ni Heidi, siguraduhin mong tama muna ang ipinapakalat mong impormasyon.
Ang malayang pagpapahayag ay hindi exemption sa factual accountability. At hindi nagiging historical fact ang maling interpretasyon dahil lang sinabi nang may pagmumura, kumpiyansa, at diumano'y 143 IQ.
May testimonya si Corona. May opisyal na impeachment verdict. May hiwalay na criminal dismissals. May hiwalay na civil forfeiture judgment. Lahat may kani-kaniyang legal na kahulugan.
Hindi mo puwedeng paghalu-haluin ang mga iyon para gumawa ng kuwentong mas pabor sa propaganda mo.
143 IQ raw, pero tatlong legal proceeding, hindi mapaghiwalay.
Darryl, ang problema sa argumento mo ay hindi kakulangan ng tapang magsalita. Kakulangan ng katumpakan.
BAGO MAGDIREK NG KASAYSAYAN, MATUTONG MAGBASA NG DESISYON.
Si Robin Padilla, ultimate performative male—ginagawang costume si Andres Bonifacio, laging bukambibig ang Katipunan at pagmamahal sa bayan, pero pagdating sa China, parang mas komportableng maging tuta ng Beijing kaysa ipaglaban ang ipinaglaban ng Supremo. TAKSIL. ISANG MAKAPILI.
PAALISIN NA ANG AMBASSADOR NG CHINA. HINDI TAYO BISITA SA SARILI NATING BAYAN.
Isipin mong may kapitbahay na inaangkin ang palaisdaan ninyo, binubugaw ang mga mangingisda, at ginagamit ang kaniyang lakas para takutin ang pamilya mo. Tapos ang kinatawan niya, nakaupo mismo sa sala ng bahay ninyo, biglang nagyabang na kaya kayong talunin kung gugustuhin nila.
At pagkatapos, sasabihin niyang mapayapa naman daw sila.
Anong klaseng kapayapaan iyon? Kapayapaang may kasamang banta?
Ganiyan ang problema sa pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan na “If we want to use force, we may easily win.” Totoong sinabi rin niyang hindi pipiliin ng China ang paggamit ng puwersa. Pero hindi nabubura ng kasunod na pangungusap ang mensaheng ipinapahiwatig ng una: mas malakas kami, kaya mag-ingat kayo.
LINAWIN NATIN ANG BATAS.
Sa ilalim ng Article 9 ng 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations, may kapangyarihan ang Pilipinas na ideklara ang isang ambassador na persona non grata anumang oras at kahit walang obligasyong ipaliwanag ang dahilan. Kapag ginawa ito, kailangang i-recall ng bansang nagpadala ang diplomat o wakasan ang kaniyang tungkulin. Kapag hindi ito ginawa sa loob ng makatwirang panahon, maaaring tumanggi ang Pilipinas na kilalanin pa siya bilang miyembro ng diplomatic mission.
Hindi kailangan ng criminal conviction. Hindi kailangan ng pahintulot ng Beijing. At lalong hindi kailangang magmakaawa ang Pilipinas para gamitin ang karapatang kinikilala ng international law.
Ang diplomatikong pribilehiyo ay hindi lisensiya para manakot. Ang ambassador ay kinatawan ng kaniyang bansa, hindi gobernador ng bansang pinuntahan niya.
At kung may nagsasabing huwag siyang paalisin dahil baka magalit ang China, pag-isipan natin ang lohika niyan: Dahil natatakot tayong takutin, hahayaan na lang nating takutin tayo?
Hindi ito panawagang makipagdigma. Hindi rin ito panawagang putulin ang kalakalan o lahat ng diplomatic relations sa China. Puwedeng palitan ang ambassador nang hindi pinuputol ang ugnayan ng dalawang bansa. Magkaiba ang diplomasya at pagpapakumbaba sa pananakot.
Ang tunay na diplomasya ay nakabatay sa sovereign equality—ang prinsipyong walang bansang dapat tratuhing mas mababa dahil lamang mas maliit ang ekonomiya o militar nito.
Kaya kung seryoso tayo sa ating soberanya, panahon nang gamitin ang mga legal na mekanismong mayroon tayo.
IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SI JING QUAN. HILINGIN ANG KANIYANG PAGPAPABALIK SA BEIJING.
Dahil kung ang isang diplomat ay hindi marunong rumespeto sa bansang tumanggap sa kaniya, hindi Pilipinas ang dapat matutong magtiis. Ang diplomat ang dapat nang umalis.
Hindi natin kailangang maging kasinglakas ng China para maging karapat-dapat sa respeto. Hindi rin kailangang humingi ng permiso sa China para maging malaya sa sarili nating bayan.
MAGKAIBA ANG PAGTATANGGOL SA SOBERANYA AT PAGPUTOL NG DIPLOMATIC RELATIONS. Basic international relations po iyan.
Hindi porke't galit tayo sa pambabraso ng China, kailangan agad putulin ang ugnayan. Hindi ito Facebook na kapag may nakaaway ka, block agad. May ekonomiya, seguridad, kalakalan, at milyun-milyong kabuhayang kailangang isaalang-alang.
At linawin natin: HINDI LANG TAYO ANG NANGANGAILANGAN SA CHINA. KAILANGAN DIN NILA TAYO.
Tingnan natin ang datos:
* Ayon sa PSA, 29.7% ng ating imports noong unang kalahati ng 2026 ay galing sa China.
* Noong 2025, halos US$994 MILLION o 39.7 MILLION METRIC TONS na nickel ore at concentrates ang inexport natin sa China.
* Noong 2024, mahigit 90% ng nickel ore imports ng China, batay sa dami, ay nagmula sa Pilipinas. Mahalaga ang nickel sa kanilang stainless steel industry at iba pang manufacturing activities.
Iyan ang tinatawag na ECONOMIC INTERDEPENDENCE. Pareho tayong may economic interests na nakataya, bagama't hindi pantay ang antas ng ating pagdepende.
Hindi ibig sabihing babagsak ang China kapag nawala tayo. Pero hindi rin totoo na wala tayong halaga o bargaining power. Ang pagiging mas maliit na ekonomiya ay hindi nangangahulugang wala kang strategic leverage.
At hindi rin awtomatikong napuputol ang kalakalan kapag pinutol ang diplomatic relations. Magkaibang usaping legal at economic iyan.
Maraming puwedeng gawin nang hindi agad isinasara ang diplomasya:
* Maghain ng diplomatic protests at humingi ng accountability.
* Ipatawag o ideklarang persona non grata ang ambassador.
* Palakasin ang maritime patrols at defense partnerships.
* Igiit ang ating karapatan gamit ang UNCLOS at international legal mechanisms.
ANG DIPLOMACY AY HINDI PAGSUKO. Instrumento ito para ipagtanggol ang national interest.
Sa international relations, hindi lang military power ang sukatan ng impluwensiya. May economic leverage, diplomatic pressure, international law, at strategic partnerships. Ang tunay na foreign policy ay marunong gumamit ng mga ito nang hindi padalos-dalos.
At pakisagot ang orihinal na tanong: MALI BANG KONDENAHIN ANG PANANAKOT AT PANGGIGIPIT SA PILIPINAS?
Dahil kung ang sagot mo sa pagkondena sa China ay hamong putulin agad ang diplomatic relations, FALSE DICHOTOMY iyan. Hindi lang dalawa ang pagpipilian: magpasakop o putulin ang lahat ng ugnayan.
Ang tunay na tapang ay hindi kung gaano kabilis kang magsunog ng tulay, kundi kung gaano kahusay mong ipinagtatanggol ang soberanya habang pinoprotektahan ang kabuhayan ng mamamayan.
FOREIGN POLICY ITO, HINDI FACEBOOK AWAY. May national interest tayong pinoprotektahan, hindi ego sa comment section.
At tandaan: ANG PAKIKIPAGKALAKALAN SA CHINA AY HINDI PAGBIBIGAY NG PERMISO NA TAPAKAN ANG ATING SOBERANYA. Hindi kasama sa kontrata ang pagpapasakop.
Sa 2028, HUWAG TAYONG PAPAYAG na ang magwawagi ay ang mga kandidatong ang tanging maipagmamalaking TRACK RECORD ay CRIMINAL RECORD, ACTING RECORD, at APELYIDO RECORD.
Marami silang pera. Lugi tayo sa makinarya, sa political dynasty, at sa celebrity advantage. Pero PUTANGINA, LALABAN TAYO.
Hindi puwedeng habang palubog ang Pilipinas, ang TRACK RECORD na hinahanap sa Senado ay box-office hits, sikat na apelyido, at sandamakmak na kaso.
ANO 'TO, SENADO O CASTING CALL NG FAMILY BUSINESS?
CIELO MAGNO: ANG EKONOMISTANG HINDI NATATAKOT BUMANGGA SA MGA HIGANTE NG MINAHAN
Sa Pilipinas, kapag nakakita ng bundok, may nakakakita ng magandang tanawin. May negosyanteng nakakakita ng ginto. Si Cielo Magno, iba ang tanong: Magkano ang napupunta sa taumbayan, sino ang yumayaman, at sino ang nagbabayad kapag nasira ang kalikasan?
Mahigit isang dekada na niyang hinahamon ang makapangyarihang industriya ng pagmimina. Hindi puro slogans. May PhD, economic research, statistical analysis, at mga resibong mahirap sagutin ng press release.
Noong 2012, kinontra niya ang Chamber of Mines tungkol sa mining contracts. Ang prinsipyo ng resource sovereignty: ang likas na yaman ay pag-aari ng sambayanan, hindi ng kompanyang binigyan lamang ng karapatang magmina.
Parang lupang pinaupahan. Hindi porke ikaw ang gumagamit, ikaw na ang may-ari. At lalong hindi ibig sabihin na ikaw lang ang dapat makinabang.
Noong 2014, kinuwestiyon niya ang Semirara, na noon ay may humigit-kumulang 94% ng coal production sa bansa, dahil sa pagtanggi nitong pahintulutang isapubliko ang tax payments nito.
“They do not want to disclose because of trade secrets daw,” sabi niya.
Simple lang: Kung kumukuha ka ng yamang pag-aari ng bayan, makatuwiran lang na malaman ng publiko kung magkano ang ibinabayad mo sa gobyerno. Transparency and accountability ang tawag diyan, hindi pakikialam sa negosyo.
Noong 2020, sinuri niya ang pagmimina ng multinational company na OceanaGold sa Nueva Vizcaya. Gamit ang datos at statistical analysis, nakita sa kanyang pag-aaral na halos sampung beses tumaas ang water extraction mula 2010 hanggang 2011, kasabay ng mine development.
Dito pumapasok ang negative externalities: maaaring kumita ang kompanya habang ang mga komunidad ang sumasalo sa gastos sa kalikasan. Parang ikaw ang nagnegosyo, pero kapitbahay ang pinagbayad mo ng kalat at pinsala.
At sa usapin ng mining taxation, ipinaglalaban niya ang patas na royalties at resource rent capture. Dahil kung bilyon ang mineral na nahukay pero halos walang taxable profit dahil sa deductions, posibleng katiting ang mapunta sa gobyerno.
Isipin mo, may kumuha ng ginto sa lupa mong pinagamit mo. Kumita man siya o hindi sa kanyang accounting, nawala na ang ginto mo. Makatuwiran bang wala kang makuhang patas na kabayaran?
Gusto rin niya ng downstream processing—hindi puro hilaw na mineral ang iniluluwas, kundi mas maraming industriya, trabaho, teknolohiya, at value-added production dito sa Pilipinas. Hindi tayo dapat basta tagahukay habang sa ibang bansa ginagawa ang mas mamahaling produkto at nalilikha ang mas maraming trabaho.
Sa paghahambing niya sa industrial development ng Indonesia, napabuntong-hininga siya:
“Tayo, naka nganga pa rin.”
Iyan ang punto ng ekonomistang tumitingin lampas sa financial statements. At iyan din ang tapang ng taong handang kumuwestiyon sa malalaking negosyong may kapital, impluwensya, at mga abogado.
Hindi lahat ng pagmimina ay masama. Pero hindi rin sapat na kumikita ang minahan. Ang tunay na sukatan ng development ay kung nagiging trabaho, kita ng pamahalaan, maayos na serbisyo, at pangmatagalang kaunlaran ang likas na yaman—nang hindi ipinapasa sa mahihirap na komunidad ang pinsala.
Dahil kung ang ginto ay napupunta sa kompanya, ang buwis ay maliit, at ang pinsala ay naiiwan sa komunidad—kaninong kaunlaran ba talaga ang ipinagdiriwang natin?
Ang bundok, puwedeng mahukay. Ang mineral, puwedeng maubos. Pero ang kahirapan, bakit parang renewable resource?
BAYAN ANG MAY-ARI. DAPAT BAYAN ANG MAY PAKINABANG.
BILYON-BILYON ANG NAWAWALA. PANAHON NANG MAY MAGBANTAY.
PIRMAHAN ANG PETISYON. HEIDI MENDOZA, TAKBO NA!
change.org/p/muling-ibalik-s…
ANG PILIPINAS AY BANSA, HINDI PAMANA NG PAMILYA.
Parehong may matinding punto sina Vico Sotto at Heidi Mendoza. At dapat itong marinig ng bawat Pilipinong sawa na sa paulit-ulit na apelyido, paulit-ulit na pangako, at paulit-ulit na problema.
Sa Pilipinas, kapag ordinaryong mamamayan ang nag-aapply ng trabaho, kailangan ng diploma, karanasan, pagsusulit, interview, at character reference. Pero kapag hahawak ng bilyun-bilyong pisong pondo at magpapasya sa kinabukasan ng milyon-milyong Pilipino, minsan sapat na ang apelyido, pera, at magandang campaign jingle.
Napakataas ng standards natin sa empleyado. Napakababa naman minsan sa mga gustong maging amo ng bayan.
Ito ang mas malalim na problema ng political dynasties. Hindi lamang ito usapin ng magkakamag-anak na tumatakbo. Usapin ito ng konsentrasyon ng kapangyarihan, hindi pantay na pagkakataon, at sistemang ginagawang pribadong negosyo ang pampublikong serbisyo.
Paano makakalaban ang isang mahusay na guro, ekonomista, abogado, o lingkod-bayan na may integridad kung ang kalaban ay may daan-daang milyong piso, political machinery, at apelyidong ilang dekada nang nakapaskil sa mga tarpaulin?
Hindi nangangahulugang mahusay ang isang kandidato dahil wala siyang kilalang apelyido. Pero lalong hindi nangangahulugang mahusay siya dahil mayroon.
Ang kakayahan ay pinatutunayan. Ang integridad ay pinaninindigan. Ang tiwala ng bayan ay pinaghihirapan, hindi minamana.
At tama si Vico: maraming magagaling na Pilipino. Hindi monopolyo ng iilang pamilya ang talino, katapatan, at kakayahang mamuno.
Ang masakit, marami sa pinakamahuhusay nating kababayan ang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataong makilala dahil ang politika natin ay mas nakikinabang sa kasikatan kaysa kakayahan.
Panahon nang baguhin iyon.
Dahil kung paulit-ulit nating iboboto ang mga tao dahil lamang sa kanilang apelyido, huwag tayong magtaka kung paulit-ulit din nating mamanahin ang mga problemang hindi nila nalutas.
Ang Pilipinas ay may mahigit sandaang milyong mamamayan. Imposibleng iilang pamilya lamang ang may kakayahang mamuno rito.
DEMOKRASYA ANG TAWAG DITO. HINDI FAMILY BUSINESS.
AMBISYOSA RAW SI CIELO MAGNO?
Elementary at high school valedictorian. UP-trained economist. Fulbright scholar. May PhD sa Amerika. Propesor ng ekonomiks at dating Undersecretary ng Department of Finance.
OO, AMBISYOSA. Ambisyosang disiplinado, nagsikap, nag-aral, at nagpakadalubhasa. Hindi dinaan sa apelyido, koneksiyon, o minanang kapangyarihan ang kaniyang mga kwalipikasyon. Pinaghirapan at pinatunayan.
Nakakatawa lang na sa politika natin, ang may credentials, kinukuwestiyon ang ambisyon; ang may sikat na apelyido, parang may automatic admission sa Senado.
ANO 'TO, SENADO O FAMILY REUNION?
“Pumapapel para sa ambisyon.” ABA, DAPAT LANG!
Si Heidi Mendoza, CPA, may dalawang Master’s degree, dating COA Commissioner at UN Under-Secretary-General, ay tumestigo sa katiwalian sa militar, kabilang ang iregularidad sa ₱200 milyong AFP funds. Hinarap niya ang makapangyarihang opisyal at nakatanggap ng death threats dahil sa paglaban niya sa korapsyon.
Si Dr. Cielo Magno, UP Economics Professor, Fulbright scholar at dating Finance Undersecretary, ay nagsulong ng reporma sa buwis sa pagmimina, transparency sa kita ng gobyerno, at fiscal accountability. Nawalan siya ng puwesto matapos kuwestiyunin ang rice price ceiling ng administrasyon.
Parehong may mataas na pinag-aralan, internasyonal na karanasan, at konkretong laban para sa interes ng publiko.
Bakit masama kung ang ganitong mga tao ay may ambisyong mamuno?
Ang ambisyon ay hindi kasalanan. Ang dapat nating kuwestiyunin ay ang ambisyong walang kakayahan, integridad, at pananagutan.
Dahil sa Pilipinas, napakaraming gustong humawak ng kapangyarihan. Ang mas mahalagang tanong: Ano ang kanilang napatunayan bago nila ito hiningi?
Hindi dapat ikahiya ang ambisyong maglingkod. Ang dapat ikahiya ay ang ambisyong mamuno nang walang maipakitang serbisyo.
Kung ang pinakamatalinong argumento mo laban kay Heidi Mendoza ay “talunan,” baka kailangan mong pag-aralan ang pagkakaiba ng pagkatalo sa eleksyon at pagkabigo sa serbisyo publiko.
Dahil ang eleksyon ay nagbibilang ng boto. Hindi nito binubura ang rekord, integridad, at mga nagawa ng isang tao.
Kilalanin natin ang tinatawag ninyong “talunan.”
Si Heidi Mendoza ay:
– Dating Commissioner ng Commission on Audit.
– Dating United Nations Under-Secretary-General for Internal Oversight Services. Unang Pilipinong umabot sa ganitong ranggo sa UN Secretariat.
– Dating World Bank procurement specialist at international anti-corruption expert.
– Auditor na tumulong maglantad ng AFP “pabaon” scandal at mga iregularidad sa pondo ng militar.
– Pangunahing audit witness sa ₱21 milyong ARMM malversation case na nagresulta sa conviction at utos ng Korte Suprema na isauli ang ₱21,045,570.64.
– Nanguna sa audit na nakatuklas ng ₱61.2 milyong overpricing sa ₱70.56 milyong medical equipment procurement sa Makati.
– Hinarap ang mga banta sa kanyang buhay dahil sa paglalantad ng katiwalian.
– Kabilang sa mga naghain ng petisyon laban sa paglipat ng ₱89.9 bilyong pondo ng PhilHealth. Nagresulta ang mga petisyon sa desisyon ng Korte Suprema na ipabalik ang ₱60 bilyon at permanenteng pigilan ang paglilipat ng natitirang ₱29.9 bilyon. Naibalik na ang ₱60 bilyon noong Hunyo 2026.
At sa unang pagtakbo niya sa pambansang eleksyon noong 2025, gumastos siya ng humigit-kumulang ₱2.5 milyon ayon sa kanyang pahayag, nang walang malaking political machinery, at nakakuha ng 8,759,732 boto.
Mahigit WALONG MILYONG Pilipino ang bumoto sa kanya.
Ngayon, tungkol naman sa paulit-ulit na paninira na ginagamit ang impeachment ni Renato Corona para siraan si Heidi Mendoza.
LINAWIN NATIN ANG KASAYSAYAN.
Hindi si Heidi ang nag-impeach kay Corona. Hindi siya ang nag-convict. Ang Senado ang humatol sa botong 20–3 noong Mayo 29, 2012 dahil sa hindi pagdedeklara ng kanyang mga ari-arian sa SALN.
At ang pinakamahalagang detalyeng tila nakakalimutan ng mga nagpapakalat ng maling impormasyon?
SI CORONA MISMO ANG UMAMIN na hindi niya idineklara ang US$2.4 milyon at humigit-kumulang ₱80.7 milyon sa kanyang mga bank account. Ang AMLC report na kinuwestiyon ng kanyang kampo ay kinumpirmang tunay ng mismong AMLC.
Si Heidi ay nagpaliwanag ng mga transaksyon batay sa financial records. Hindi siya ang gumawa ng batas sa SALN. Hindi siya ang nagdesisyon sa impeachment. At lalong hindi niya inimbento ang sariling pag-amin ni Corona.
At bago may maglabas na naman ng desisyon ng Sandiganbayan bilang diumano'y patunay na mali ang impeachment, MAGBASA.
Noong 2022, ibinasura ng Sandiganbayan ang hiwalay na civil forfeiture case laban kay Corona at sa kanyang pamilya dahil sapat ang naipakitang pinagmulan ng kanilang yaman upang maipaliwanag ang mga kuwestiyonableng ari-arian.
Tunay ang desisyong iyan. Pero ibang kaso iyon, ibang legal na tanong, at ibang pamantayan ng pananagutan.
Ang impeachment noong 2012 ay tungkol sa pananagutan ng isang Chief Justice sa hindi wastong pagdedeklara sa SALN. Ang forfeiture case ay tungkol sa kung ang mga ari-arian ay maaaring kumpiskahin bilang unlawfully acquired wealth.
Ang isang ari-arian ay maaaring may lehitimong pinagmulan ngunit hindi pa rin wastong naideklara sa SALN.
HINDI BINAWI NG SANDIGANBAYAN ANG HATOL NG SENADO.
Magkaiba ang impeachment, criminal prosecution, at civil forfeiture. Basic legal distinction iyan. Hindi porke may nakita kang headline na “dismissed,” puwede mo nang burahin ang ibang desisyon ng ibang hukuman.
At narito ang isang mahalagang detalye: noong 2011, mismong si Chief Justice Renato Corona ang nakalistang chairperson at kabilang sa mga sumang-ayon sa desisyon ng Korte Suprema na nagpatibay sa ARMM malversation convictions sa kasong nagsilbing prosecution witness si Heidi Mendoza.
Hindi komplikado ang kasaysayan kapag binasa nang buo.
Kung may ebidensya ng pamemeke ni Heidi Mendoza, ilabas. Pero hindi sapat ang paulit-ulit na paratang para burahin ang opisyal na rekord.
At dito pumapasok ang mas malaking tanong tungkol sa ating sistema.
Paano nagiging mas mahirap para sa isang beteranong auditor na may pandaigdigang karanasan ang makipagsabayan sa isang pambansang eleksyon na napakalaki ng papel ng pera, pangalan, at makinarya?
Ang Senado ay gumagawa ng batas, sumusuri ng pambansang budget, at nagbabantay sa paggastos ng gobyerno. Trabahong nangangailangan ng tunay na kaalaman sa pampublikong pananalapi.
Hindi awtomatikong ginagawang mahusay na opisyal ng diploma o titulo ang isang tao. Pero hindi rin nabubura ng pagkatalo sa eleksyon ang mga dokumentadong nagawa niya.
Kaya oo, natalo si Heidi Mendoza sa eleksyon noong 2025. Iyan ang katotohanan.
Pero hindi nangangahulugang mali ang kanyang mga audit, walang saysay ang kanyang mga inilantad, o nabura ang kanyang mga kontribusyon.
Ang mas dapat katakutan ng isang bansa ay hindi ang pagkatalo ng isang kandidato.
Kundi ang pagdating sa puntong mas mabilis kumalat ang paninira kaysa sa pag-aaral ng ebidensya, at mas madaling pagtawanan ang salitang “talunan” kaysa unawain kung paano gumagana ang pananagutan sa gobyerno.
Dahil kung ang debate ay tungkol sa korapsyon at serbisyo publiko, ang kailangang iharap ay rekord, dokumento, at resulta.
Hindi fake news. Hindi palayaw. Hindi paulit-ulit na propaganda.
Ang pagkatalo sa eleksyon ay nakasulat sa election returns.
Ang mga nagawa sa serbisyo publiko ay nakasulat sa kasaysayan.
At hindi nabubura ang huli dahil lamang sa una.
MAGBASA. HUWAG PURO MEME.


















