Pinned Tweet
Valenzuelanos, maging handa sa anumang krisis o sakuna. I-save ang mga numerong ito para sa kaligtasan ng bawat isa.
Valenzuela City Disaster Risk And Reduction Management Office (VCDRRMO):
•(02) 8352-5000
•(02) 8292-1405
•0917-881-1639 (GLOBE)
•0919-009-4045 (SMART)
Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH):
•(02) 8352-6000
Valenzuela Medical Center (VMC):
•(02) 8294-6711
Valenzuela City Police Station (VCPS):
•(02) 8352-4000
•0906-419-7676 (GLOBE)
•0998-598-7868 (SMART)
Valenzuela City Fire Station (VCFS):
•(02) 8292-3519
•0930-845-0284 (SMART)
•0933-619-1481 (SMART)
Palaging mag-ingat, #PamilyangValenzuelano!
𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗰𝗮𝗿𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗪𝗘𝗦.
Daan-daang residente po ang nakatanggap ng libreng medical care mula sa Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng programang #AlagangPamilyangValenzuelano Medical Mission with Optical, Dental, and Family Planning noong Oktubre 24, 2026, sa Marulas Barangay Hall.
Nakinabang ang mga residente sa iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan kabilang na ang:
👓 Sagip Mata – 349
🩺 Medical Consultation – 330
🦷 Dental Services – 51
🫀 ECG - 43
🧑🧑🧒🧒 Family Planning Services - 34
💉 Free Laboratory Procedures - 225
Patuloy po na iikutin ng #AlagangPamilyangValenzuelano Medical Mission ang bawat barangay upang mailapit ang de-kalidad at libreng serbisyong pangkalusugan sa bawat #Valenzuelano.
𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚
Panatalihing ligtas ang inyong tahanan ngayong #Undas2026. Narito po ang ilang mga paalala:
𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐂𝐂𝐓𝐕 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐎𝐀 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), ang Training on CCTV Operation and Management para sa mga opisyal ng Homeowners’ Association (HOA) at mga kawani ng public high schools sa lungsod noong Oktubre 22 at 23, 2026.
Tinalakay sa pagsasanay ang wastong paggamit at pamamahala ng mga CCTV system, kabilang ang mahahalagang kaalaman tungkol sa CCTV infrastructure. Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa Data Privacy Act at kung paano ito naaangkop sa pagpapatakbo ng CCTV upang matiyak ang responsable, ligtas, at naaayon sa batas na paghawak ng mga naitalang footage.
𝗦𝗮 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮, 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝘁𝗶-𝗿𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗶𝗰𝗿𝗼𝗰𝗵𝗶𝗽 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗳𝘂𝗿𝗯𝗮𝗯𝗶𝗲𝘀!
Matagumpay na nabakunahan laban sa rabies ang 430 furbabies at 124 na aso naman ang nabigyan ng libreng microchip ngayong araw, Oktubre 24, 2026, sa Camella Verra, Brgy. Bignay.
Patuloy po nating inilalapit ang mga libreng serbisyo upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga alagang hayop.
Para sa mga susunod na iskedyul, manatiling nakaantabay sa mga anunsyo sa ating official social media accounts.
𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐉𝐂𝐈 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐳𝐮𝐞𝐥𝐚! 🎉
Kinilala ang JCI Valenzuela bilang Most Outstanding Local Organization at tumanggap ng prestihiyosong 2026 SINAGTALA AWARD sa katatapos lang na JCI Philippines National Temiong Awards 2026.
Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng tunay na kahulugan ng pagiging isang #GalingValenzuelano—nagpapakita ng pagsisikap, dedikasyon, at katapatan ng bawat kasapi na lumikha ng positibong pagbabago at humubog ng mga pinunong may layunin.
Bukod dito, isang malaking pagbati rin kay Kyle Benjamine Parpan, isang proud Valenzuelano na kinilala bilang Most Outstanding Regional Vice President ng JCI Philippines Area 2 - Metro East. Nawa'y patuloy kang magsilbing inspirasyon sa paglikha ng mga bagong posibilidad at oportunidad sa iyong mahalagang tungkulin.
Isang mapagpalang pagpupugay sa inyong lahat! ✨
Be a responsible paw-rent! 🐶🐱
Makiisa sa #ValPets LIBRENG Anti-Rabies Vaccination at Microchipping na gaganapin sa Camella Verra, Brgy. Bignay!
Huwag palampasin ang pagkakataong ito at panatilihing ligtas ang inyong mga alaga, pamilya, at komunidad. 🐾
𝗜𝘁'𝘀 𝗮 𝘄𝗿𝗮𝗽 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝘆 𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿𝗙𝗮𝗶𝘁𝗵 20𝟮𝟲! 🙏🏻✝
Nagsama-sama ang mga kabataan at Christian community sa Valenzuela City People’s Park noong Oktubre 22, 2026, upang makiisa sa isang makabuluhang pagtitipon na nakasentro sa pananampalataya at pagkakaisa sa pamamagitan ng musika.
Kita-kits ulit mamaya, mga Valenzuelano, para sa ikalawang araw na puno ng worship at musika!
𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐳𝐮𝐞𝐥𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐊𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐦𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧 🏆
Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng Department of Trade and Industry - Consumer Policy and Advocacy Bureau (DTI-CPAB) bilang Consumer Rights Champion sa ilalim ng kategoryang Advocacy Champions for Consumer Education and Basic Needs, bilang pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng Lungsod sa pagpapalawak ng kaalaman, kamalayan, at pagtataguyod ng karapatan ng mga mamimili sa isinagawang Consumer Welfare Month (CWM) 2026 sa Crowne Plaza Manila Galleria, Quezon City, noong Oktubre 21, 2026.
Patunay po ito na patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman, mulat sa mga karapatan, at may access sa ligtas at abot-kayang pangunahing pangangailangan ang bawat #PamilyangValenzuelano.
𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐳𝐮𝐞𝐥𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐇𝐚𝐢𝐥𝐞𝐝 𝐚𝐬 𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐆𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐨𝐤 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝𝐞𝐞! 🏆
Para sa inyo ito, Pamilyang Valenzuelano! 🎉 Kinilala po ang Valenzuela City, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, sa prestihiyosong 2026 Galing Pook Awards para sa programang “Building Spaces in a Spaceless City.”
Sa isang densely populated at industrial na lungsod tulad ng Valenzuela, hindi hadlang ang limitadong espasyo upang makalikha ng mga lugar para sa pahinga, rekreasyon, at pagkakaisa ng komunidad.
Sa halip na bumili ng bagong lupa, binigyang-buhay ng Lungsod ang mga idle properties, flood-control dikes, at mga espasyo sa ilalim ng NLEX expressway bilang parks, riverwalks, urban farms, at community spaces. Ngayon, mayroon nang 31 major parks at open spaces ang Valenzuela, na tinatayang dinarayo ng mahigit 22,750 visitors araw-araw. 🌳
Isa po itong patunay ng ating patuloy na pagsusulong ng people-first, innovative, at inclusive governance.
Pagbati para sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at kay Mayor WES Gatchalian! Nawa'y ang tagumpay na ito ay magsilbing inspirasyon para sa patuloy na paggawa ng mga inistyatibong magpapaangat sa kalidad ng buhay ng bawat Valenzuelano, at para sa isang mas luntian, mas masaya, at mas liveable na Lungsod ng Valenzuela. 💙
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐫𝐚𝐩𝐢𝐤 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐲𝐬𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐚𝐝, 𝐛𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐢𝐞𝐫𝐫𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨.
Obserbahan ang One-way Traffic Scheme simula Tierra Santa Access Road, Brgy. Maysan patungong Parada, Canumay West, Mapulang Lupa, at NLEX Paso de Blas, o papuntang MacArthur Highway, Karuhatan, at NLEX Segment 9/10.
Ito po ay upang maibsan ang trapiko sa kahabaan ng Maysan Road, lalo na sa mga oras na mataas ang volume ng mga sasakyan.
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗲𝗿𝗿𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗥𝗼𝗮𝗱 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝗱𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗱𝗮𝘀.
Makiisa po sa pagpapatupad ng traffic scheme at sundin ang mga itinakdang alternate route at road signage para sa mas maayos at ligtas na daloy ng trapiko.
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐬 𝐭𝐫𝐚𝐩𝐢𝐤 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐲𝐬𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐚𝐝, 𝐛𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐢𝐞𝐫𝐫𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐑𝐨𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨.
Obserbahan ang One-way Traffic Scheme simula Tierra Santa Access Road, Brgy. Maysan patungong Parada, Canumay West, Mapulang Lupa, at NLEX Paso de Blas, o papuntang MacArthur Highway, Karuhatan, at NLEX Segment 9/10.
Ito po ay upang maibsan ang trapiko sa kahabaan ng Maysan Road, lalo na sa mga oras na mataas ang volume ng mga sasakyan.
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗲𝗿𝗿𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗥𝗼𝗮𝗱 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝗱𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗱𝗮𝘀.
Makiisa po sa pagpapatupad ng traffic scheme at sundin ang mga itinakdang alternate route at road signage para sa mas maayos at ligtas na daloy ng trapiko.
Kinilala po ang Valenzuela City, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, sa prestihiyosong 2026 Galing Pook Awards para sa programang “Building Spaces in a Spaceless City.”
Ang Building Spaces in a Spaceless City ay tungkol sa kung paano natin ginagawang oportunidad ang mga limitasyon ng ating lungsod.
Sa isang lungsod na masikip, industriyalisado, at patuloy na umuunlad tulad ng Valenzuela, alam nating limitado ang espasyong maaari nating gamitin. Pero sa halip na isipin kung saan pa tayo makakakuha ng lupa, tinanong natin ang ating sarili: Paano natin mapapakinabangan ang mga espasyong mayroon na tayo?
Ang mga dating bakante, napapabayaan, at hindi nagagamit na lugar, ginawa nating mga parke, bike trails, playgrounds, at iba pang pampublikong espasyo kung saan maaaring maglaro ang mga bata, mag-ehersisyo ang ating mga senior citizen, mag-bonding ang mga pamilya, at magsama-sama ang mga Valenzuelano.
Dahil para sa atin, ang bawat espasyong nalilikha ay hindi lamang isang proyekto. Ito ay isang pagkakataon para mapabuti ang buhay ng ating mga kababayan.
Dahil kahit limitado ang espasyo ng ating lungsod, hindi dapat maging limitado ang mga oportunidad para sa ating mga mamamayan na maging masaya at masigla!
Congratulations, Valenzuela City at Mayor WES!
𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝗴𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗯𝗶𝗿𝗱 🕊️
Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), katuwang ang Tagalag Elementary School, ang isang migratory bird watching activity sa Tagalag Fishing Village noong Oktubre 19, 2026, upang palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kalikasan at sa kahalagahan ng mga lokal na wetland.
Layunin ng aktibidad na mahikayat ang mga mag-aaral na higit na maunawaan at pahalagahan ang mga migratory bird at ang kanilang likas na tirahan, gayundin ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga wetland bilang bahagi ng ating kapaligiran.
𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐮𝐝𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐞𝐚𝐥! 𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭! 🛒
Ngayong Consumer Welfare Month, 'wag magpabudol sa too good to be true deals! Ugaliin ang wastong pag-check sa mga produktong nais bilhin, online man o sa physical store.
Doble ingat para sa mas ligtas ng pamimili para sa buong pamilya. 💙
𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐛𝐞𝐥𝐨𝐯𝐞𝐝 𝐟𝐮𝐫𝐛𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐚𝐭! ☀️🐾
Alagaan at panatilihing presko ang inyong furbabies ngayong may Super El Niño, dahil ang kanilang kalusugan at kasiyahan ay kasiyahan din ng buong pamilya.
Enjoy the early summer safely together! 💙
Today is the last day to pay your business tax!
GO ONLINE now via #PaspasPermit! Magpunta lamang sa online.valenzuela.gov.ph/Val… upang simulan ang iyong transaksyon.
𝗗𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗴𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝘀𝗲𝘅𝘂𝗮𝗹 𝗵𝗮𝗿𝗮𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁!
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) through the Gender and Development Focal Point System (GAD-FPS), ang Orientation on Gender-Based Sexual Harassment at Republic Act No. 11313, o Safe Spaces Act noong, Oktubre 19, 2026, sa Valenzuela City Library.
Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa gender-based sexual harassment at mga probisyon ng Safe Spaces Act, kabilang ang kanilang mga karapatan, responsibilidad, at legal na obligasyon alinsunod sa mga umiiral na batas ukol sa Gender and Development.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinapalalim ang kamalayan at pag-unawa sa paggalang sa karapatan at paglikha ng ligtas at patas na pamayanan para sa lahat.
𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠: 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠
Matagumpay na isinagawa ang Nanay-Tatay Teacher + Parenting Seminar na may temang “You Are Special” para sa mga magulang ng mga mag-aaral sa elementary at high school noong Oktubre 14–15, 2026 at Oktubre 19, 2026, sa pamamagitan ng Synergeia Foundation.
Sa loob po ng tatlong makabuluhang araw ng seminar, nagkaroon din ng dayalogo at workshop na nakatuon sa positive discipline, reading support techniques, at home-school coordination upang higit pang mapalakas ang papel ng mga magulang sa pagkatuto at paghubog ng kanilang mga anak.
Sa pamamagitan po ng pagsasanay na ito, inaasahang maibabahagi ng mga sinanay na parent-leaders ang kanilang mga natutuhan sa iba pang mga magulang sa kani-kanilang paaralan at komunidad, tungo sa mas matatag na ugnayan ng tahanan at ng paaralan.
𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝗯𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻! 🌱
Isinagawa ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela - College of Public Administration and Governance (PLV-CPAG) at Union of Public Administration Students (UPAS) ang CPAGSibol: Where the Journey of Service Begins noong Oktubre 17, 2026, sa PLV-CPAG Building.
Tampok ang iba’t ibang interactive na gawain na naglalayong palakasin ang samahan at ugnayan ng mga mag-aaral at mga instructor sa larangan ng public administration and governance.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, mas napapalalim ang pagkakaibigan, pakikipagkapwa, at pagtutulungan sa loob ng academic community.

















































